2 Mga Hari 11:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Nang magkagayo'y inilabas niya ang anak ng hari, at (A)inilagay niya ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng (B)patotoo; at ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ng langis; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay, at nagsipagsabi, Mabuhay ang hari.
Pinatay si Athalia.
13 At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan, ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon.
14 At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi (C)ayon sa kaugalian, at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at (D)humihip ng mga pakakak. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan, at humiyaw Paglililo! paglililo!
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978