Font Size
2 Mga Hari 15:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 15:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paghahari ni Azarias sa Juda(A)
15 Nang ikadalawampu't pitong taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, si Azarias na anak ni Amazias ay nagsimula namang maghari sa Juda. 2 Labing-anim na taóng gulang siya noon at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampu't dalawang taon. Ang kanyang ina ay si Jecolias na taga-Jerusalem. 3 Siya'y naging kalugud-lugod kay Yahweh sapagkat sumunod siya sa halimbawa ng kanyang amang si Amazias.
Read full chapter