Add parallel Print Page Options

14 Ang(A) dambanang tanso na nasa harapan ng Panginoon ay kanyang inalis mula sa harapan ng bahay, mula sa lugar sa pagitan ng kanyang dambana at ng bahay ng Panginoon, at inilagay sa dakong hilaga ng kanyang dambana.

15 At inutusan ni Haring Ahaz ang paring si Urias, na sinasabi, “Sa ibabaw ng malaking dambana ay sunugin mo ang handog na sinusunog sa umaga, at ang handog na butil sa hapon, at ang handog na sinusunog ng hari at ang kanyang handog na butil, kasama ng handog na sinusunog ng lahat ng mga tao ng lupain, at ng kanilang handog na butil, at ang kanilang mga handog na inumin; at iwisik mo roon ang lahat ng dugo ng handog na sinusunog, at ang lahat ng dugo ng handog; ngunit ang dambanang tanso ay para sa akin upang doon ako'y makasangguni.”

16 Ang lahat ng ito ay ginawa ng paring si Urias, gaya ng iniutos ni Haring Ahaz.

Read full chapter