2 Mga Hari 16:15-17
Ang Biblia (1978)
15 At inutusan ng haring Achaz si Urias na saserdote, na sinasabi, Sa ibabaw ng malaking dambana, ay magsunog ka (A)ng handog na susunugin sa umaga, at ng handog na harina sa hapon, at ng handog na susunugin ng hari at ng kaniyang handog na harina sangpu ng handog na susunugin ng buong bayan ng lupain at ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin; at iwisik mo roon ang buong dugo ng handog na susunugin, at ang buong dugo ng hain: nguni't ang dambanang tanso ay mapapasa akin upang pagusisaan.
16 Ganito ang ginawa ni Urias na saserdote, ayon sa buong iniutos ng haring Achaz.
17 (B)At pinutol ng haring Achaz ang mga hangganan ng mga tungtungan, at inalis sa mga yaon ang hugasan, at ibinaba ang dagatdagatan mula sa mga bakang (C)tanso na nasa ilalim niyaon, at ipinatong sa isang pavimentong bato.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978