Font Size
2 Mga Hari 16:17-19
Ang Biblia, 2001
2 Mga Hari 16:17-19
Ang Biblia, 2001
17 At(A) pinutol ni Haring Ahaz ang mga balangkas ng mga patungan at inalis sa mga iyon ang hugasan. Kanyang ibinaba ang malaking tangke ng tubig mula sa mga bakang tanso na nasa ilalim niyon at ipinatong sa isang patungang bato.
18 Ang daang natatakpan para sa Sabbath na itinayo sa loob ng bahay, at ang pasukan ng hari na nasa labas ay kanyang inalis sa bahay ng Panginoon, dahil sa hari ng Asiria.
19 Ang iba pa sa mga gawa ni Ahaz na kanyang ginawa, di ba nakasulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kasaysayan[a] ng mga Hari ng Juda?
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 16:19 o Cronica .