Font Size
2 Mga Hari 16:4-6
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 16:4-6
Magandang Balita Biblia
4 Nagdala siya ng mga handog at nagsunog ng insenso sa mga dambana ng mga diyus-diyosan, sa mga burol, at sa bawat lilim ng mga punongkahoy.
5 Ang(A) Juda ay sinalakay ni Haring Rezin ng Siria at ni Haring Peka ng Israel. Kinubkob nila ang Jerusalem ngunit hindi nila ito magapi. 6 Nang panahong iyon, ang Elat ay nabawi ng hari ng Edom;[a] naitaboy nila ang mga taga-Juda. Mula noon, ang mga taga-Edom na ang tumira roon.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 16:6 hari ng Edom: Sa ibang manuskrito'y Haring Rezin ng Siria .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.