2 Mga Hari 17:23-25
Ang Biblia (1978)
23 Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, (A)gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. (B)Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito.
Mga dayuhan ay dinadala sa Samaria.
24 (C)At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia, at sa Cutha, at sa Ava, at sa (D)Hamath at sa (E)Sepharvaim, at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel: at kanilang inari ang Samaria, at nagsitahan sa mga bayan niyaon.
25 At nagkagayon, sa pasimula ng kanilang pagtahan doon, na hindi sila nangatakot sa Panginoon: kaya't ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila, na pinatay ang ilan sa kanila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978