Add parallel Print Page Options

(A)Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at (B)dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng (C)Gozan, at sa mga bayan ng mga (D)Medo.

Sa panahon ng pagkakabihag.

At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at sila'y natakot sa ibang mga dios.

(E)At lumakad sa mga palatuntunan ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel, at ng mga hari ng Israel, na kanilang ginawa.

Read full chapter