Add parallel Print Page Options

19 Kaya ngayon, Yahweh, iligtas po ninyo kami kay Senaquerib para malaman ng buong daigdig na kayo lamang ang kaisa-isang Diyos.”

Ang Mensahe ni Isaias para kay Haring Ezequias(A)

20 Nagpadala ng sugo si Isaias kay Ezequias at ipinasabi ang ganito: “Ipinapasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na narinig niya ang panalangin mo tungkol sa hari ng Asiria. 21 Ito naman ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Senaquerib:

‘Pinagtatawanan ka, Senaquerib, ng anak ng Zion;
    kinukutya ka at nililibak!
Inaalipusta ka ng lunsod ng Jerusalem.

Read full chapter