Font Size
2 Mga Hari 20:3-5
Ang Biblia (1978)
2 Mga Hari 20:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong (A)alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at (B)gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.
4 At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,
5 Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na (C)pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, (D)Aking narinig ang iyong (E)panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978