Font Size
2 Mga Hari 23:31-33
Ang Biblia (1978)
2 Mga Hari 23:31-33
Ang Biblia (1978)
Si Joachaz ay naghari. Inalis ni Faraon-nechao at inilagay si Joacim.
31 Si Joachaz[a] ay may dalawangpu't tatlong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna.
32 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang.
33 At inilagay ni Faraon-nechao siya sa pangawan sa (A)Ribla, sa lupain ng (B)Hamath, upang siya'y huwag makapaghari sa Jerusalem; at siningilan ang bayan ng (C)isang daang talentong pilak, at isang talentong ginto.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 23:31 Tinatawag na Sallum. 1 Cron. 4:15; Jer. 22:11.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978