Font Size
2 Mga Hari 23:31-33
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 23:31-33
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Haring Jehoahaz ng Juda(A)
31 Si Jehoahaz ay dalawampu't tatlong taóng gulang nang maging hari ng Juda. Tatlong buwan lamang siyang naghari sa Jerusalem. Ang ina niya ay si Hamutal na anak ni Jeremias na taga-Libna. 32 Hindi siya naging kalugud-lugod kay Yahweh sapagkat tinularan niya ang masasamang halimbawa ng kanyang mga ninuno. 33 Ikinulong siya ng Faraon Neco ng Egipto sa Ribla, sa lupain ng Hamat at ang Juda'y hiningan niya ng buwis na 3,500 kilong pilak at 35 kilong ginto.
Read full chapter