Add parallel Print Page Options

17 (A)Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko, at isang kapitel na tanso ang nasa dulo niyaon; at ang taas ng kapitel ay tatlong siko, na may yaring lambat at mga granada sa kapitel sa palibot, lahat ay tanso; at mayroong gaya ng mga ito ang ikalawang haligi na may yaring lambat.

18 At kinuha ng punong kawal ng bantay si (B)Saraias na dakilang saserdote, at si (C)Sophonias na (D)ikalawang saserdote, at ang tatlong tagatanod-pinto:

19 At sa bayan ay kumuha siya ng isang pinuno na inilagay sa mga lalaking mangdidigma: at (E)limang lalake sa kanila na nakakita ng mukha ng hari (F)na nangasumpungan sa bayan: at ang kalihim, ang punong kawal ng hukbo, na humusay ng bayan ng lupain; at anim na pung lalake ng bayan ng lupain, na nangasumpungan sa bayan.

Read full chapter