Add parallel Print Page Options

Ang payo ni Eliseo.

13 At sinabi ni Eliseo sa hari sa Israel, (A)Anong ipakikialam ko sa iyo? (B)pumaroon ka sa mga propeta ng iyong ama, at sa mga (C)propeta ng iyong ina. At sinabi ng hari sa Israel sa kaniya, Hindi; sapagka't tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sila sa kamay ng Moab.

14 At sinabi ni Eliseo, (D)Buháy ang Panginoon ng mga hukbo, na nakatayo ako sa harap niya, tunay na kung wala akong pagtingin sa harap ni Josaphat na hari sa Juda, hindi kita lilingapin, ni titingnan man.

15 Nguni't ngayo'y dalhan ninyo ako ng isang manunugtog. At nangyari, nang ang (E)manunugtog ay tumugtog, na ang (F)kamay ng Panginoon ay suma kaniya.

Read full chapter