Font Size
2 Mga Hari 3:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 3:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Tinanong ni Eliseo ang hari ng Israel, “Bakit sa akin kayo lumalapit at hindi sa mga propetang nilapitan ng inyong ama't ina?”
“Sapagkat kaming tatlo'y pinagsama-sama ni Yahweh upang ibigay sa kamay ng mga Moabita,” sagot ng hari.
14 Sinabi ni Eliseo, “Saksi si Yahweh, ang buháy na Makapangyarihan sa lahat, na siyang aking pinaglilingkuran.[a] Kung hindi lang dahil kay Haring Jehoshafat ng Juda, ni hindi kita papansinin. 15 Dalhan ninyo ako ng isang manunugtog.” Ganoon nga ang ginawa nila. Nang tumutugtog na ito, si Eliseo'y nilukuban ng kapangyarihan ni Yahweh.
Read full chapterFootnotes
- 14 Saksi si Yahweh…pinaglilingkuran: o kaya'y Hangga't si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat na aking pinaglilingkuran ay nabubuhay .