Add parallel Print Page Options

18 Ganito ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapang ito na totoong sagana; sapagka't ang timbang ng tanso ay hindi makukuro.

19 At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nangasa bahay ng Dios, ang gintong dambana rin naman, at ang mga dulang na kinaroroonan ng tinapay na handog;

20 At ang mga kandelero na kalakip ng mga ilawan niyaon, na mga paniningasan ayon sa ayos sa harap ng sanggunian, na taganas na ginto;

Read full chapter