Add parallel Print Page Options

15 Sisikapin ko ang lahat upang sa aking pag-alis ay maala-ala pa ninyo ang mga bagay na ito.

16 Ito ay sapagkat hindi kami sumunod sa mga kathang-isip na maingat na ginawa nang ipakilala namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Jesucristo, kundi nasaksihan namin ang kaniyang kadakilaan. 17 Ito ay sapagkat nakita namin nang ipagkaloob sa kaniya ng Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian. Ito ay nangyari nang marinig niya ang gayong uri ng tinig na dumating sa kaniya mula sa napakadakilang kaluwalhatian: Ito ang mina­mahal kong Anak na lubos kong kinalugdan.

Read full chapter