Add parallel Print Page Options

21 Hindi ba ninyo naaalala kung paano namatay si Abimelec na anak ni Jerub Beshet[a] sa Tebez? Hindi baʼt hinulugan siya ng isang babae ng gilingang bato mula sa itaas ng pader, at namatay siya? Bakit lumapit kayo sa pader?’ Kung magtatanong siya nang ganito, sabihin mo sa kanya, ‘Namatay din po ang lingkod ninyong si Uria na Heteo.’ ”

22 Lumakad ang mensahero, at pagdating niya kay David sinabi niya rito ang lahat ng ipinapasabi ni Joab. 23 Sinabi niya kay David, “Sinalakay po kami ng mga kalaban sa kapatagan, pero hinabol po namin sila pabalik sa pintuan ng lungsod nila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:21 Jerub Beshet: Ito ay isa sa pang tawag kay Gideon.