Add parallel Print Page Options

30 Sinabi ni Absalom sa mga lingkod niya, “Sunugin nʼyo ang bukid ni Joab na taniman ng sebada. Katabi lang ito ng bukid ko.” Kaya sinunog nila ang bukid ni Joab.

31 Pumunta si Joab kay Absalom at sinabi, “Bakit sinunog ng mga lingkod mo ang bukid ko?” 32 Sumagot si Absalom, “Dahil hindi ka pumunta rito noong ipinatawag kita. Gusto ko sanang pumunta ka sa hari at tanungin siya kung bakit ipinakuha pa niya ako sa Geshur. Mas mabuti pang nagpaiwan na lang ako roon. Gusto kong makita ang hari, kung nagkasala ako, patayin niya ako.”

Read full chapter