Font Size
2 Samuel 17:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 17:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Matapang ma't may pusong-leon ay matatakot din, sapagkat alam ng buong Israel na magiting na mandirigma ang iyong ama, at hindi aatras sa labanan ang mga tauhan niya. 11 Ganito ang payo ko: ‘Hintayin mo munang ang mga Israelita mula sa Dan hanggang Beer-seba ay matipong lahat na sindami ng buhangin sa tabing-dagat. Pagkatapos, ikaw mismo ang manguna sa pakikipaglaban. 12 Hahabulin natin ang kaaway saanman siya magsuot. Sasalakayin natin siya na parang hamog na pumapatak sa lupa, at wala isa man sa kanilang sambahayan at mga tauhan ang matitirang buháy.
Read full chapter