Font Size
2 Samuel 20:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 20:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Sinabi niya, “Kumusta ka, kapatid ko!” sabay hawak ng kanang kamay sa balbas ni Amasa upang ito'y hagkan. 10 Hindi napapansin ni Amasa ang espadang hawak ni Joab sa kabilang kamay. Kaya't sinaksak siya nito sa tiyan. Lumuwa sa lupa ang bituka niya, at namatay agad sa saksak na iyon.
Nagpatuloy ang magkapatid na Joab at Abisai sa kanilang pagtugis kay Seba. 11 Isang tauhan ni Joab ang tumayo sa may bangkay ni Amasa at sumigaw, “Ang lahat ng kakampi ni Joab at ni David ay sumunod kay Joab!”
Read full chapter