Font Size
2 Samuel 6:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Samuel 6:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Kaya nagdesisyon siyang huwag na lang dalhin sa lungsod niya[a] ang Kahon ng Panginoon. Iniwan na lang niya ito sa bahay ni Obed Edom na taga-Gat. 11 Nanatili ang Kahon ng Panginoon sa bahay ni Obed Edom sa loob ng tatlong buwan, at pinagpala siya ng Panginoon, maging ang buo niyang sambahayan.
12 Ngayon, nabalitaan ni Haring David na pinagpala ng Panginoon ang sambahayan ni Obed Edom at ang lahat ng pag-aari nito dahil sa Kahon ng Dios. Kaya pumunta siya sa bahay nito at kinuha ang Kahon ng Dios at dinala sa Jerusalem nang may kagalakan.
Read full chapterFootnotes
- 6:10 lungsod niya: sa Hebreo, lungsod ni David. Ganito rin sa talatang 12 at 16.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®