Add parallel Print Page Options

Nang dumating ang mga Arameo[a] mula sa Damascus para tulungan si Hadadezer, pinatay nila David ang 22,000 sa mga ito. Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damascus, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya. Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na pag-aari ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:5 Arameo: o, taga-Syria. Ganito rin sa talatang 6.