Add parallel Print Page Options

Nagtitiwala kami sa Panginoon patungkol sa inyo na ang mga bagay na iniutos ko sa inyo ay inyong ginagawa at gagawin. Patnubayan ng Panginoon ang inyong mga puso patungo sa pag-ibig sa Diyos at patungo sa pagbabata ni Cristo.

Babala Laban sa Katamaran

Ngayon, mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo na kayo ay humiwalay sa bawat kapatid na tamad at hindi namumuhay ayon sa aral na tinanggap niya sa amin.

Read full chapter