Add parallel Print Page Options

Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan: sapagka't kami ay (A)hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo;

Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi (B)sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo:

(C)Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan.

Read full chapter