Add parallel Print Page Options

17 Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon; binigyan niya ako ng lakas para maipahayag nang husto ang Magandang Balita sa mga hindi Judio. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan.[a] 18 Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen!

Mga Pangangamusta

19 Ikumusta mo ako kina Priscila at Aquila at sa pamilya ni Onesiforus.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:17 sa tiyak na kamatayan: sa literal, sa bunganga ng leon.