Font Size
Amos 1:3-5
Ang Salita ng Diyos
Amos 1:3-5
Ang Salita ng Diyos
Ang Parusa sa Bansang Syria
3 Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Syria: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Damascus,[a] parurusahan ko sila. Sapagkat pinagmalupitan nila ang mga taga-Gilead na parang giniik ng tabla na may mga ngiping bakal sa ilalim. 4 Kaya susunugin ko ang palasyo ni Haring Hazael at ang matitibay na bahagi ng Damascus na ipinagawa ng anak niyang si Haring Ben Hadad. 5 Wawasakin ko ang pintuan ng Damascus at papatayin ko ang pinuno ng Lambak ng Aven at ng Bet Eden.[b] Bibihagin at dadalhin sa Kir ang mga mamamayan ng Syria.[c] Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (ASND)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica