Amos 2:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Parusa sa Bansang Juda
4 Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Juda: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Juda, parurusahan ko sila. Sapagkat itinakwil nila ang aking mga kautusan at hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Iniligaw sila ng paglilingkod nila sa mga dios-diosan na pinaglingkuran din ng kanilang mga ninuno. 5 Kaya susunugin ko ang Juda pati na ang matitibay na bahagi ng Jerusalem.”
Ang Parusa sa Bansang Israel
6 Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Israel,[a] parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang.
Read full chapterFootnotes
- 2:6 Israel: Noong mahati sa dalawang kaharian ang Israel (1 Hari 2), ang isa ay tinawag na Israel at ang isa ay Juda.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®