Font Size
Amos 4:10-12
Ang Biblia (1978)
Amos 4:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot (A)na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, (B)at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
11 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, (C)gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng (D)dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
12 Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978