Add parallel Print Page Options

10 “Pinadalhan ko kayo ng salot tulad ng aking ginawa sa Egipto.
    Pinatay ko sa digmaan ang inyong kabinataan;
inagaw ko ang inyong mga kabayo.
    Bumaho ang inyong mga kampo dahil sa mga nabubulok na bangkay; halos hindi kayo makahinga,
subalit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.

11 “Pinuksa(A) ko ang ilan sa inyong lunsod tulad ng Sodoma at Gomorra.
    Kayo'y parang nagbabagang kahoy na inagaw sa apoy,
ngunit ayaw pa rin ninyong manumbalik sa akin,” sabi ni Yahweh.

12 “Mga taga-Israel, gagawin ko ito sa inyo,
    kaya humanda kayong humarap sa inyong Diyos!”

Read full chapter