Add parallel Print Page Options

16 Kaya pakinggan ninyo ang sinasabi ni Yahweh. Sinabi ninyo,

‘Huwag kang mangaral laban sa Israel,
    at huwag kang mangaral laban sa sambahayan ni Isaac.’
17 Sinasabi ni Yahweh,
‘Ang asawa mo'y magiging babaing bayaran,
    at masasawi naman sa digmaan ang iyong mga anak.
    Paghahati-hatian ng iba ang iyong lupain at ikaw ay mamamatay.
Sa isang bayang hindi kumikilala kay Yahweh,
    ang mga taga-Israel ay dadalhing-bihag sa isang malayong lupain.’”

Read full chapter