Add parallel Print Page Options

Kahit na bihagin sila ng kanilang mga kaaway, ipapapatay ko pa rin sila. Dahil desidido na akong lipulin sila at huwag nang tulungan.”

Kapag hinipo ng Panginoong Dios na Makapangyarihan ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Egipto.

Ang Dios ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit.
    At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa.
    Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa.
    Ang pangalan niyaʼy Panginoon.

Read full chapter