Font Size
Apocalipsis 14:3-5
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 14:3-5
Ang Biblia, 2001
3 At sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit sa harapan ng trono, at sa harapan ng apat na nilalang na buháy at ng matatanda. Walang sinumang natuto ng awit na iyon kundi ang isandaan at apatnapu't apat na libo lamang, na tinubos mula sa lupa.
4 Hindi dinungisan ng mga ito ang kanilang sarili sa mga babae; sapagkat sila'y malilinis.[a] Ang mga ito'y ang mga sumusunod sa Kordero saan man siya magtungo. Ang mga ito'y ang tinubos mula sa mga tao, bilang mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Kordero.
5 At(A) sa kanilang bibig ay walang natagpuang kasinungalingan; sila'y mga walang dungis.
Read full chapterFootnotes
- Apocalipsis 14:4 Sa Griyego ay mga birhen .