Add parallel Print Page Options

At nakita (A)ko (B)ang bayang banal, ang bagong (C)Jerusalem, (D)na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang (E)gaya ng isang babaing kasintahan na (F)nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.

At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, (G)ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at (H)ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:

At papahirin niya ang bawa't luha (I)sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon (J)ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng (K)dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

Read full chapter