Add parallel Print Page Options

23 At ang bayan ay (A)hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.

24 At (B)ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga (C)hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.

25 At (D)ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon (E)doon ng gabi):

Read full chapter