Font Size
Apocalipsis 5:8-10
Ang Biblia (1978)
Apocalipsis 5:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At pagkakuha niya ng aklat, (A)ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may (B)alpa, at mga (C)mangkok na ginto na puno ng kamangyan, (D)na siyang mga panalangin ng mga banal.
9 At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,
Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios (E)ng iyong dugo (F)ang mga tao (G)sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
10 At sila'y (H)iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
By Philippine Bible Society