Font Size
Apocalipsis 5:8-10
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 5:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Pagkakuha(A) niya sa aklat, ang apat na nilalang na buháy at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na punô ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal.
9 At(B) sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,
“Ikaw ay karapat-dapat na kumuha sa aklat
at magbukas ng mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinatay, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay binili mo para sa Diyos
ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa.
10 At(C) sila'y iyong ginawang isang kaharian at mga pari para sa aming Diyos;
at sila'y maghahari sa ibabaw ng lupa.”
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
By Philippine Bible Society