Add parallel Print Page Options

At nang buksan niya (A)ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios; at sila'y binigyan ng pitong (B)pakakak.

At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na (C)isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa (D)mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw (E)ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.

Read full chapter