Font Size
Colosas 1:23-25
Ang Salita ng Diyos
Colosas 1:23-25
Ang Salita ng Diyos
23 Ito ay kung manatili kayo sa pananampalataya na matatag at matibay at hindi malilipat mulasa pag-asa ng ebanghelyo na inyong narinig at ito ang ipinangaral sa bawat nilalang na nasa silong ng langit. Akong si Pablo ay ginawang tagapaglingkod ng ebanghelyong ito.
Ang Pagpapagal ni Pablo Para sa Iglesiya
24 Ako ngayon ay nagagalak sa aking mga paghihirap alang-alang sa inyo. Pinupunuan ko sa aking katawan ang mga kakulangan ng mga paghihirap niCristo para sa kapakanan ng kaniyang katawan, ang iglesiya.
25 Dahil dito naging tagapaglingkod ako ayon sa pangangasiwa na mula sa Diyos, na ibinigay sa akin para sa inyong kapakinabangan upang ganapin ko ang Salita ng Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International