Add parallel Print Page Options

Ang Pagpapagal ni Pablo Para sa Iglesiya

24 Ako ngayon ay nagagalak sa aking mga paghihirap alang-alang sa inyo. Pinupunuan ko sa aking katawan ang mga kakulangan ng mga paghihirap niCristo para sa kapakanan ng kaniyang katawan, ang iglesiya.

25 Dahil dito naging tagapag­lingkod ako ayon sa pangangasiwa na mula sa Diyos, na ibinigay sa akin para sa inyong kapakinabangan upang ganapin ko ang Salita ng Diyos. 26 Ito ang hiwagang inilihim mula pa sa nakaraang kapanahunan at mula sa mga lahing nakaraan, ngunit ngayon ay ipinahayag sa kaniyang mga banal.

Read full chapter