Font Size
Colosas 4:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Colosas 4:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pangwakas na Pagbati
7 Si(A)(B) Tiquico ang magbabalita sa inyo tungkol sa kalagayan ko rito. Siya ay minamahal naming kapatid, tapat na lingkod at kamanggagawa sa Panginoon. 8 Pinapunta ko siya riyan para malaman ninyo ang aming kalagayan, nang sa gayon ay lumakas ang inyong loob. 9 Kasama(C) niya ang tapat at minamahal nating kapatid na si Onesimo, na kasamahan ninyo. Sila ang magbabalita sa inyo ng lahat ng nangyari dito.
Read full chapter