Add parallel Print Page Options

39 At pagkatapos mo ay babangon ang (A)ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang (B)ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa.

40 At ang ikaapat na kaharian ay (C)magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.

41 At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto.

Read full chapter