Daniel 5:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Ang hari ay sumigaw ng malakas, (A)na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi sa (B)mga pantas sa Babilonia, (C)Sinomang makababasa ng sulat na ito, at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan, magdadamit ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at magiging ikatlong puno (D)sa kaharian.
8 Nang magkagayo'y nagsipasok ang lahat na pantas ng hari; nguni't hindi nila nabasa ang sulat, o naipaaninaw man sa hari ang kahulugan niyaon.
9 Nang magkagayo'y nabagabag na mainam ang haring Belsasar, at ang kaniyang pagmumukha ay nabago, at ang kaniyang mga mahal na tao ay nangatitigilan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978