Font Size
Daniel 5:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Daniel 5:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Sumigaw siya, “Dalhin dito ang mga enkantador, mga astrologo, at mga manghuhula.” Sinabi niya sa mga ito, “Sinumang makabasa at makapagpaliwanag sa nakasulat na ito ay bibihisan ko ng damit na kulay ube, kukuwintasan ko ng ginto, at gagawin kong ikatlo sa kapangyarihan sa buong kaharian.” 8 Dumating lahat ang mga tagapayo ng hari ngunit isa ma'y walang makabasa o makapagpaliwanag sa kahulugan ng nakasulat sa pader. 9 Lalong nabagabag at namutla ang hari. Litung-lito naman ang kanyang mga tagapamahala.
Read full chapter