Add parallel Print Page Options

24 Ang mga nagbintang kay Daniel ay ipinahulog ng hari sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang mga anak at asawa. Hindi pa sila halos sumasayad sa kulungan ay nilapa na sila ng mga leon.

25 Pagkatapos, sinulatan ni Haring Dario ang lahat ng tao sa bawat bansa at wika sa buong daigdig. Isinasaad sa sulat: “Sumainyo ang kapayapaan! 26 Iniuutos ko sa lahat ng aking mga nasasakupan na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel.

“Sapagkat siya ang Diyos na buháy,
    at mananatili magpakailanman.
Hindi mawawasak ang kanyang kaharian,
    at mananatili habang panahon ang kanyang kapangyarihan.

Read full chapter