Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain tungkol sa Barakong Tupa at Kambing

Nang ikatlong taon ng paghahari ni Belsazar, akong si Daniel ay nagkaroon ng ikalawang pangitain.[a] Sa pangitaing iyon ako'y nasa pampang ng Ilog Ulai, sa napapaderang lunsod ng Susa, lalawigan ng Elam. Nakita kong nakatayo sa pampang ng ilog ang isang barakong tupa. May dalawang sungay ito na parehong mahaba ngunit mas mahaba ang sungay na huling tumubo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Daniel 8:1 Sa orihinal na wika, ang bahaging 8:1–12:13 ay nakasulat na sa wikang Hebreo.