Add parallel Print Page Options

At ako'y may nakita sa pangitain: nangyari nga, na nang aking makita, nasa (A)Susan ako na palacio, na nasa lalawigan ng Elam; at ako'y may nakita sa pangitain, at ako'y nasa tabi ng ilog Ulai.

Nang magkagayo'y itiningin ko ang aking mga mata, at ako'y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni't ang isa'y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli.

Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong (B)sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; (C)kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.

Read full chapter