Add parallel Print Page Options

24 “490 taon[a] ang itinakda ng Dios sa banal na lungsod at sa mga kababayan mo para tigilan nila ang pagrerebelde sa Dios, para mapatawad ang kanilang kasalanan, para mapairal ng Dios ang walang hanggang katuwiran, para matupad ang pangitain at propesiya, at para maihandog na muli ang templo sa Dios.

25 “Dapat mong malaman at maintindihan na mula sa panahong iniutos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Dios ay lilipas muna ang 49 na taon.[b] At sa loob ng 434 na taon[c] ay muling itatayo ang Jerusalem na may mga plasa at tanggulan. Magiging magulo sa panahong iyon. 26 Pagkatapos ng 434 na taon,[d] papatayin ang pinunong hinirang ng Dios at walang tutulong sa kanya.[e] Darating ang isang hari at sisirain ng mga tauhan niya ang bayan at ang templo. At ayon sa itinakda ng Dios, ang pagwasak at digmaan ay magpapatuloy hanggang sa katapusan. Ang katapusan ay darating na parang baha.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:24 490 taon: sa literal, pitong 70.
  2. 9:25 49 na taon: sa literal, pitong pito.
  3. 9:25 434 na taon: sa literal, pitong 62.
  4. 9:26 434 na taon: Tingnan ang pangalawang footnote sa talata 25.
  5. 9:26 at walang tutulong sa kanya: o, walang matitira sa kanya.