Add parallel Print Page Options

24 “Pitumpung linggo[a] ang panahong palugit sa iyong sambayanan at sa banal na lunsod upang tigilan ang pagsuway, wakasan ang kasamaan, at pagbayaran ang kasalanan. Pagkatapos, maghahari na ang walang hanggang katarungan, magaganap ang kahulugan ng pangitain at ang pahayag; itatalaga na rin ang Kabanal-banalan. 25 Unawain mo ito: Mula sa pagbibigay ng utos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Diyos ay lilipas ang pitong linggo.[b] Muling itatayo ang Jerusalem, ang mga lansangan at pader nito ay aayusin sa loob ng animnapu't dalawang linggo;[c] ito ay panahon rin ng kaguluhan. 26 Pagkalipas ng animnapu't dalawang linggo,[d] papatayin ang hinirang ng Diyos. Ang lunsod at ang templo ay wawasakin ng hukbo ng isang makapangyarihang hari. Ang wakas ay darating na parang baha at magkakaroon ng digmaan at pagkawasak na itinakda ng Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24 Pitumpung linggo: o kaya'y Pitumpung panahon; ang bawat panahon ay tumatagal ng pitong taon .
  2. 25 pitong linggo: o kaya'y pitong panahon; ang bawat panahon ay tumatagal ng pitong taon .
  3. 25 animnapu't dalawang linggo: o kaya'y animnapu't dalawang panahon; ang bawat panahon ay tumatagal ng pitong taon .
  4. 26 animnapu't dalawang linggo: o kaya'y animnapu't dalawang panahon; ang bawat panahon ay tumatagal ng pitong taon.