Add parallel Print Page Options

25 “Dapat mong malaman at maintindihan na mula sa panahong iniutos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Dios ay lilipas muna ang 49 na taon.[a] At sa loob ng 434 na taon[b] ay muling itatayo ang Jerusalem na may mga plasa at tanggulan. Magiging magulo sa panahong iyon. 26 Pagkatapos ng 434 na taon,[c] papatayin ang pinunong hinirang ng Dios at walang tutulong sa kanya.[d] Darating ang isang hari at sisirain ng mga tauhan niya ang bayan at ang templo. At ayon sa itinakda ng Dios, ang pagwasak at digmaan ay magpapatuloy hanggang sa katapusan. Ang katapusan ay darating na parang baha. 27 Ang haring iyon ay gagawa ng matibay na kasunduan sa napakaraming tao sa loob ng pitong taon. Pero pagkatapos ng tatlong taon at kalahati, patitigilin niya ang mga paghahandog at ilalagay niya ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pagpapabaya sa templo. Mananatili ito roon hanggang sa dumating ang katapusan ng hari na itinakda ng Dios.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:25 49 na taon: sa literal, pitong pito.
  2. 9:25 434 na taon: sa literal, pitong 62.
  3. 9:26 434 na taon: Tingnan ang pangalawang footnote sa talata 25.
  4. 9:26 at walang tutulong sa kanya: o, walang matitira sa kanya.